PHL NAGHAIN NG DIPLOMATIC PROTEST VS CHINA

china21

(NI CHRISTIAN DALE)

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas, kaugnay pa rin sa pagbangga ng isang Chinese fishing vessel sa barko ng mga Pinoy fishermen na nagresulta sa pagkalubog ng barko nito sa West Philippine Sea.
Mismong si Foreign Affairs Sec. Teodoro “Teddy” Locsin ang nagbigay ng anunsyo.

Sinabi ni Locsin na hindi tama ang ginawa ng mga Tsino. Naunang ibinunyag ni Defense chief Delfin Lorenzana na binangga ng Chinese vessel ang Filipino fishing boat saka iniwan at inabandona ang 22 fishermen sa karagatan.

“I fired off a diplomatic protest yesterday,” sinabi ni Locsin.
Ito’y tugon ni Loscin sa sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na dapat ay trabahuhin na ito ng isang international agency.

“I will proceed on the merits of the case and what it calls for while the matter is studied by the International Maritime Organization (IMO),” sinabi ni Locsin.

Naunang tinawag ni Locsin ang insidente na isang “hit and run” case at sinabi niya na ito’y “contemptible and condemnable.”

Naka-angkla ang Philippine ship nang banggain ito ng Chinese vessel, ayon kay Lorenzana.
Isang Vietnamese fishing vessel ang nagligtas sa mga Pinoy.

 

154

Related posts

Leave a Comment