PINOY SA SAUDI ‘DI NAISALBA NG MARCOS ADMIN SA BITAY

BINITAY ang isang Pilipino sa Kingdom of Saudi Arabia dahil sa kasong pagpatay sa isang Saudi national.

Sa isang mensahe, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ginawa ng departamento ang lahat ng posible sa kaso ng akusadong Pilipino kabilang na ang pagpapadala ng presidential letter of appeal, subalit nabigo lamang sila.

“No official confirmation from Saudi authorities yet but yes, our Embassy in Riyadh reports that there was an execution. It was for murder of a Saudi national over money,” ayon kay De Vega.

Sa kabilang dako, ayaw naman ng pamilya ng binitay na Pilipino na ipalathala pa ang naturang kaso.

“Out of deference to their wishes, and out of respect to their privacy, we will withhold details on the case. We appeal to the media and the public to understand and heed the wishes of the family,” ayon kay De Vega.

Samantala, tiniyak naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na magbibigay ng tulong ang gobyerno sa pamilya ng binitay na Pilipino.

”The family is requesting privacy. Rest assured we’re assisting them, the family and this is a case na medyo matagal na rin, nasa OWWA pa ko noon,” ayon kay Cacdac.

Ikinalungkot naman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbitay sa OFW.

“It is with deep sorrow and regret that we confirm the recent execution of an Overseas Filipino Worker (OFW) in the Kingdom of Saudi Arabia after being convicted of murder,” ani House assistant minority leader Marissa del Mar-Magsino.

Base sa report ng DFA noong Marso 2023, umaabot sa 83 OFWs ang nasa death row kabilang na ang binitay sa Saudi Arabia noong Martes.

Sa nasabing bilang, 56 ay nasentensyahan ng parusang kamatayan sa Malaysia sa iba’t ibang kaso habang ang natitira ay sa United Arab Emirates, Saudi Arabia, Indonesia, Maldives, Sri Lanka, China, Vietnam, USA, Japan at Brunei. (CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

110

Related posts

Leave a Comment