PNP, BFP, BJMP NASA FULL ALERT 

DILG-OFFICE-2

(NI NICK ECHEVARRIA)

ISINAILALIM sa full alert status ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP), Bureau Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa panahon ng Semana Santa bilang paggunita sa Holy Week.

Binigyang-diin ni DILG Secretary Eduardo M. Año na dapat walang masasayang na oras sa pagbabantay at dapat  ay 24/7 ang trabaho ng PNP, BFP at BJMP sa ilalim ng full alert status para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay  Ano, walang pinipiling oras at panahon ang mga kriminal kaya dapat lang na hindi rin magpahinga ang DILG at mga ahensya na nasa ilalim nito partikular ngayong Semana Santa. “Bawal muna magpahinga sapagkat ang Semana Santa ay panahon din ng mga mapagsamantala,” dagdag pa ni Ano.

Binilinan ng DILG Chief ang mga local government units (LGUs) na pakilusin ang kanilang mga law at traffic enforcers, barangay tanod, barangay peace action keeping teams, public safety officers at force multipliers sa palibot ng mga  simbahan,  religious destinations at maging sa mga lugar na madalas puntahan ng mga bakasyunista.

Dapat umanong tiyakin ng mga local executives at ng PNP ang maayos na seguridad sa mga paliparan, pantalan, bus terminals, pilgrimages, simbahan at mga matataong pamilihan sa kanilang mga nasasakupan.

Inatasan din ni Ano ang PNP na magsagawa ng mahigpit na koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para suriin ang mga bus drivers kaugnay sa illegal drug use.

Binigyang diin din  ni Ano na nasa kamay ng a mga bus driver ang kaligtasan ng  mga commuters sa pagbiyahe  pauwi sa kanilang mga probinsya para gunitain ang Semana Santa kaya dapat walang adik na driver sa kalsada.

Pinapurihan din ni Ano ang PNP sa pagtatalaga ng 91,000 pulis sa buong bansa para tiyakin ang kaligtasan ng mga bibiyahe at ang security operations sa mga places of convergence at mga transport terminals.

373

Related posts

Leave a Comment