Samantala, binatikos ng isang supporter ang Philippine National Police (PNP) na tila umano isang private army na ng administrasyong Marcos Jr.
Ayon sa commentator na si EB Jugalbot, taliwas sa mottong ‘To Serve and Protect’ ang ginagawa ngayon ng PNP dahil naghahasik ito ng takot at pangamba partikular sa mga taga-Davao City.
Nagbago na aniya ang prayoridad ng mga pulis sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kaugnay ito sa sunod-sunod na pag-atake ng mga elite force ng PNP sa mga religious compound ng KOJC noong June 10, 2024 sa Davao City at Sarangani Province – para magsilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at lima pang akusado.
Matapos umano ang halos dalawang buwan ay nakararanas pa rin ang mga misyonaryo ng KOJC ng panggigipit ng mga pulis suot ang kanilang full-battle suit na animo’y lulusob sa giyera, walang name plate, at nagtatago ng kanilang mga mukha.
71