(NI LILIBETH JULIAN)
SA layong maibsan ang kalituhan, babaguhin na ang rank classification sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito ay matapos kumpirmahin na opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na gawing standard ang tawag sa isang police officer.
Ang bagong rank classification sa PNP ay ang Police General; Police Lieutenant General; Police Major General; Police Brigadier General; Police Colonel; Police Lieutenant Colonel; Police Major; Police Captain; Police Lieutenant; Police Executive Master Sergeant; Police Chief Master Sergeant; Police Senior Master Sergeant; Police Master Sergeant; Police Staff Sergeant; Police Corporal; at Patrolman o Patrolwoman.
Matatandaang, itinutulak noon pa ang panukalang batas na itulad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang rank classification ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) para maging malinaw at madaling malaman ang posisyon mga pulis.
Mapapalitan sa ilalim ng batas ang mga Senior Superintendent sa Police Colonel; Superintendent sa Lieutenant Colonel; Chief Inspector sa Police Major; Senior Inspector sa Police Captain; Inspector sa Police Lieutenant; SPO4 sa Police Master Sergeant; SPO3 sa Police Technical Sergeant; SPO2 sa Police Staff Sergeant; SPO1 sa Police Sergeant; P03 sa Corporal; PO2 sa Patrolman First Class; at PO1 sa Patrolman.
141