PODIUM NI DU30 ITINAGO SA BULLETPROOF GLASS

bullet21

(CHRISTIAN DALE)

MAY gusto umanong pumatay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang dahilan kung bakit nilagyan ng bulletproof glass ang podium na tinayuan ni Duterte habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-LABAN) campaign rally sa Victoneta Avenue, Barangay Potrero, Malabon City, Martes ng gabi.

“May gusto mang pumatay sa akin. Pero palagay ko pa naman ang buhay ay swerte-swerte lang. Kung panahon ko na talaga, wala na akong magawa. Tingnan ko lang kung gaano kakapal ‘to. Mukha hong hindi matablan ito ng bala, baka pitik siguro kaya,” ayon sa Pangulo.

Wala aniya siyang nagawa dahil ito ang security setup ng Presidential Security Group (PSG) sa kanya.

“Alam mo ha itong picture frame na ito ha iyon ang hindi ko na kontrolado. Sumama man ang loob ko, magalit ako, hindi ko mautusan ang security setup ng PSG, Presidential Guards, kasi sila talaga ang masunod,” aniya pa rin.

Noong bago pa lamang aniya siya ay pinipilit niya na siya ang masunod dahil hindi na aniya nakakalapit sa kanya ang mga tao.

“Eh, sanay na ako ‘yung mayor tuluy-tuloy ako, ine-embrace ko sila. Lalo na kung maraming babae, talagang natatagalan ako,” pabirong sabi ng Pangulo.

93

Related posts

Leave a Comment