POGO NAKAPALIGID SA MILITARY FACILITIES PINAGDUDAHAN

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI maiwasan ng isang mambabatas sa Kamara na pagdudahan ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) dahil ang pinipiling hubs o lugar ng operation ng mga ito ay malapit sa mga military facilities sa bansa.

Nangangamba si PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa seguridad ng mga military facilities dahil kung susuriin aniya ang mga lugar na pinagtayuan ng mga POGO hubs ay pawang malapit sa mga military areas.

“Primarily, we (POGOs) should stay away from sensitive areas like AFP and our security-risk areas. We must be more sensitive to that,” ani Nograles kaya nais niyang paimbestigahan ito sa House committee on national defense and security.

Nagpakita si Nograles ng mga aerial photos ng mga POGO hubs na nakatayo  sa mga strategic areas sa Metro Manila, Cavite at Subic na lubha niyang ikinabahala dahil pawang malapit ito sa mga military facilities.

Kabilang na dito ang Camp Aguinaldo at Camp Crame sa Quezon Ciyt na napapaligiran umano ng POGO Hubs sa Araneta Complex sa Cubao, Eastwood sa Libis at Ortigas Center sa Pasig City.

Mayroon din aniyang POGO hubs sa paligid ng Fort Bonifacio sa Taguig City na malapit sa Philippine Army headquarters tulad ng nakatayo sa McKinley Hills Mckinley West.

Mayroon din aniyang Chinese gaming operation sa Resorts World Casino complex na malapit naman sa Villamor airbase o headquarter ng Philippine Air Force habang sa Cavite ay mayroon din umanong POGO hubs na hindi kalayuan naman sa Philippine Navy, Sangley Point, Senado at maging sa dating American Naval Base sa Subic Zambales.

Lalong kaduda-duda na target umano ng POGO operators ang Grande Island  sa Subic gayung walang internet sa lugar na ito na mahalaga sa operasyon ng nasabing online gaming.

“Grande island is right at the mouth of Subic Bay and that is an island that is not developed, it makes you wonder why you would develop that areas specifically for POGOs when there’s no internet infrastructure there in place,” ani Nograles.

“That puts into question again, why there? Why do you want to go there and of course, the suspicious mind would easily go to, the alarmist thought that it is a problem for national security,” dagdag pa ng mambabatas.

153

Related posts

Leave a Comment