PONDO NG LGU MATATANGGAP SA 2020

(NI NOEL ABUEL)

MALAKI ang posibilidad na simula sa darating na taon, direkta nang matatanggap ng mga nangangailangang local government unit (LGU) ang pondong kanilang hinihingi para sa kanilang mga proyekto.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na ito ay bunga ng polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) na nag-aatas sa mga ahensiya ng pamahalaan na kumuha muna ng sertipikasyon sa Regional Development Councils (RDCs) kaugnay sa mga proyektong ipatutupad sa taong 2021.

Ayon kay Lacson, nangunguna sa krusada para sa tamang paggamit ng pondo ng pamahalaan, ang hakbang na ito ng DBM ay magwawakas na sa ‘disconnect’ na matagal nang nagpapahirap sa mga lokal na pamahalaan.

“I am thankful to DBM Secretary Wendel Avisado for requiring agencies to obtain certifications from RDCs to make sure projects have local support. This is a step in the right direction that we must follow,” ayon pa kay Lacson.

Una rito ay ipinaalam ng kalihim sa mambabatas na magiging pangunahing sangkap ng mga ahensiya sa paghingi ng badyet para sa mga proyekto ang mga sertipikasyon mula sa RDCs, at isasama ito sa paghanda sa darating na taon ng pambansang badyet para sa 2021.

“For the P4.1-trillion budget for 2020, projects initiated by the Regional Development Councils accounted for only 25 percent of development projects in the National Expenditure Program or the President’s Budget that forms the basis of the budget bill,” sabi ni Lacson.

“Yet, local government units, especially those in far-flung areas, are in the best position to know their constituents’ needs and priorities,” dagdag ng mambabatas.

Ipinaliwanag din ni Lacson na hindi mawawala ang karapatan ng mga mambabatas lalo na ang mga kongresista, na lumahok sa paghingi ng proyekto dahil ang mga ito ay kabilang sa mga bumubuo ng RDCs.

Muli ring nanawagan ang mambabatas sa publiko na mas maging mapagbantay pa sa pinagggagamitan ng pambansang badyet at isumbong ang hindi tamang gastos sa mga kinauukulan.

“As I have repeatedly been emphasizing, the national budget is the lifeblood of the economy, if not the country itself. No government or no nation will survive without its healthy components and circulation,” dagdag pa nito.

 

107

Related posts

Leave a Comment