Taos-pusong pinasalamatan ni Chinese President Xi Jinping si Pangulong Rodrigo Duterte at maging ang mga mamamahayag sa mainit na pagtanggap sa kanya para sa dalawang araw na state visit sa bansa.
Sa arrival statement ni President Xi, sinabi nito sa harap ng mga mamahayag na nag-cover sa kanyang pagdating kaninang alas-11:28 ng umaga, Nobyembre 20, sa NAIA Terminal 1, lubos ang pasasalamat nito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil simula nang naging Pangulo ito ng Pilipinas ay naging maganda na ang diplomatic relations ng gobyernong Pilipinas at China.
Binigyan diin ni Xi na simula nang manungkulan si Duterte, nabuksan ang pintuan para sa pagkakaibigan ng dalawang bansa na walang ibang makikinabang kungdi ang mamamayan ng China at Pilipinas.
Binigyang diin ni President Xi na naninindigan ang China na handa itong makipagtulungan sa Pilipinas sa layong mas mapaigting pa ang maayos at magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa. LILIBETH JULIAN
95