GINEBRA CORE ISASALANG NI GUIAO

May mga nakiliti, ang iba naman, naintriga nang gamitin ni Coach Yeng Guiao ang core ng San Miguel Beer sa kanilang Jordan scrimmage.

Lamang ang Jordan, 25-13 sa first quarter nang gamitin ni Guiao sina Beermen Alex Cabagnot, Arwind Santos, Lassiter at Standhardinger kasama si Beau Belga na nagsimula ng 10-0 run upang makadikit sa Jordanian team.

Tiniyak naman ni Guiao na hindi nito tinitignan kung anong PBA ballclub naglalaro ang bawat player na kaniyang tinapik sa nasabing laro.

I was not even thinking of them as San Miguel, or Talk ‘N Text or Rain or Shine, everything is random. I did not do that on purpose. I was just trying combinations and was experimenting on some combinations. Hindi ko na na-notice na apat o limang San Miguel guys ang nasa loob,” giit ni Guiao.

Sa kanilang susunod na tune-up match sinabi naman ni Guiao na posible niyang gamitin ang core ng Ginebra na sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Greg Slaughter na hindi naglaro sa unang tune-up ng training pool.

“Si Stanley Pringle also just arrived late, he’s been with the team for just one session so I think that’s not enough para makapagpakita sila in today’s game, ani Guiao “They’ll practice again with us tomorrow and then they have a shoot around Wednesday morning so at least nakapag-ensayo sila ng dalawa tatlong beses so baka pwede na sila gamitin.”

Naghahanda ang Philippine team para sa back-to-back home games ng FIBA world qualifier kung saan makakaharap nito ang Kazakhstan sa November 30 at Iran sa December 3. (FEL DE LEON)

7

Related posts

Leave a Comment