PRESYO NG SARDINAS, NOODLES TATAAS

sardinas

(NI DAVE MEDINA)

EPEKTIBONG itataas ng Canned Sardines Association of the Philippines (CSAP) ang presyo ng kanilang produktong sardinas ilang araw mula ngayon.

Ayon kay Marvin Lim, presidente ng  CSAP, itinakda ng Department of Trade and Industry,(DTI) mula 50 sentimos hanggang 80 sentimos ang taas-presyo ng mga de-latang sardinas.

Ipinaliwanag ni Lim, ang pagtaas ng selling price ng sardinas ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga isdang tamban na ginagamit sa pagawa ng sardinas.

Gayundin, ang mga ginagamit na tin plate na  packing materials ng nabanggit na produkto ay nagsipagtaasan din.
Sa datos mula sa DTI, makikitang noon pang isang taon hiniling ng CSAP sa DTI na magtataas sila ng  kalahati ng kanilang presyo ng produktong sardinas pero pansamantala munang hiniling ng naturang ahensya ng gobyerno  na mapanatili muna sa dating presyo ang mga sardinas, na  kanila namang pinagbigyan.

Samantala, may paggalaw din pataas  ang presyo ng ilang brand ng condiments, tulad ng toyo , suka ,patis; at formula milk pati na ang noodles.
Base sa monitoring ng Philippine Amalgamated Supermarket Association, mula dalawa hanggang limang porsiyento ang kailangang  idagdag sa presyo ng mga nabanggit na produkto.

 

207

Related posts

Leave a Comment