PAMILYA BATOCABE DISMAYADO SA KASO

justine1

DISMAYADO ang pamilya Batocabe sa itinatakbo ng kaso ng pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe dahil sa sinasabi nilang ‘delaying tactics’ ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Si Baldo ay pinayagang makapagpiyansa ng korte at pansamantalang nakalalaya sa kabila ng isinampang double murder at multiple frustrated murder case.

Ikinalungkot din ni Atty. Justin Batocabe, panganay na anak ng pinaslang na kongresista, ang motion to inhibit ng mga prosekusyon sa Albay kaugnay ng kaso na inilipat sa Camarines Sur.

Sinabi pa nito na dapat sana ay noong Pebrero 11 pa nakapag-sumite ng counter-affidavit ang kampo ni Baldo ngunit inaprubahan din ng korte ang 20 day-extension.

Dapat din umanong 10 hanggang 15 araw lamang ang ibinibigay na ekstensiyon sa pagsagot sa kabilang panig kaya’t nakalulungkot na dinagdagan pa ng limang araw ang kanilang palugit.

18

Related posts

Leave a Comment