(NI BERNARD TAGUINOD)
DUMOBLE pa ang bilang ng mga private basic at higher education institutions na nakatakdang magtaas ng tuition ngayong academic year 2019-2020 kaya kabado ang grupo ng mga kabataan na lalong mahihirapan ang mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak.
Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, tinatayang 1,400 private school sa elementary, high school at kolehiyo ang nakatakdang magtaas na hindi lalagpas sa 15% sa kasalukuyang tuition fees.
Doble ang bilang na ito sa 700 private schools na nag-aapply para Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) noong Enero para magtaas ng tuition fee sa papasok na school year.
Doble din, ayon kay Elago ang hinihingi dagdag na tuition ng mga private schools na ito dahil noong Enero ay tinatayang 6% hanggang 8% lamang ito.
Noong 2018, umaabot sa 1000 private schools ang pinayagan ng DepEd na magtaas ng tuition fees habang 300 universities and colleges naman ang binigyan ng ChED ng go signal para sa magtaas ng matrikula at iba pang bayarin.
Dahil dito, sinabi ni Elago na lalong mahihirap ang mga magulang na mapa-aral ang kanilang mga anak dahil lumala ang kanilang kalagayan dahil sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
“This is the height of insensitivity as it adds another burden to families on top of the rising cost of living, higher food and fare prices due to TRAIN law. At this point, tuition hikes wouldn’t only be unreasonable, they are unjust and inhumane. Despite massive protests calling to stop tuition and other school fees, CHED and the Duterte government have remained deaf,” ani Elago.
Sa ngayon ay libre na ang tuition sa mga pampublikong paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo subalit hindi umano kaya ng mga ito na ma-accommodate ang lahat ng estudyante kaya marami pa rin ang nag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan
298