(NI BERNARD TAGUINOD)
MANANATILING sarado sa publiko ang buong detalye ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) matapos aprubahan ng kasalukuyang liderato ng Kamara ang dating sistema na ipinatupad ng nakaraang administrasyon ng Kamara.
Sa ilalim ng House Resolution (HR) No 2467 na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara noong Miyerkoles ng gabi, hindi pa rin ilalabas sa publiko ang mga importanteng detalye ng mga mambabatas sa kanilang ihahaing SALN.
Kapareho ito ng HR 1410 na ipinasa noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at dahil kailangang maghain muli ng kanilang SALN ang lahat ng miyembro at empleyado ng Kamara , ay inadopt ito ng liderato ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Tulad ng dating resolusyon, hindi maaaring ilabas sa publiko ang address ng mga may-ari ng SALN, pangalan ng kanilang anak na hindi pa umaabot sa 18 anyos ang edad.
Maging ang lokasyon ng mga pag-aari ng mga SALN owners , mga negosyo kasama at detalye ng kanilang mga government issued IDs ay hindi maaaring isapubliko ng nangangasiwa sa kanilang SALN.
“Whereas, the House recognize the circumtances in which the information in the SALN’s of its members may used to render them and members of their family vulnerable to threats to life and security, influence the action of the House of its Committees and consequently, undermine the independence of the legislative branch;, “ ang bahagi ng inprubahang resolusyon.
Sa ngayon ay umiiral ang Freedom of Information (FOI) law at pinapayagan ang media na makakuha ng kumpletong detalye ng SALN ng mga mambabatas subalit hindi ganun kadali.
Ito ay dahil kailangang magpakita muna ng “proof under oath” at certification of accredidation ng media organization na lehitimo ang mamamahayag sa SALN Committee saka dedesisyunan kung bibigyan ng kopya o hindi.
Sakaling mabigyan naman ng kopya, kailangan panumpaan ng media o ng ibang requestiong party na hindi gagamitin ang ilantad ang buong detalye ng SALN para maproteksyunan ang may-ari nito.
“In additon, the requesting party shall certify under oath that the request does not constitute and unwarranted invasion of personal privacy and the name of the owner of the requested SALN shall not disclosed….” bahagi ng inaprubahang resolusyon.
153