MALAKI ang posibilidad na samantalahin ng mga love scammer ang Valentine’s Day para makapanloko ng malulungkot ang VDay.
Kaya ang babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos Jr., sa press briefing sa Malakanyang ay mag-ingat ngayong VDay lalo na sa mga hindi kakilala.
“At ito pa ang matindi, nasabi rin kanina iyong love scam – I don’t know if you’ve heard about the love scam ‘no. Iyong love scam, tinitingnan nila iyong profile kung sino iyong malungkot, nag-iisa, ano iyong music na hilig mo, ano iyong hilig mong kinakain, ganito and then iyong weakness mo doon ka pinapasok, talagang sindikato. Imagine, that love scam nagna-number one ngayon iyan ha, pinapasok nila,” ayon kay Abalos.
“So, I guess ang importante rito is that everyone should be aware of all of this things kaya nga dapat siguro isa-suggest ko magkaroon ng Zoom meeting with everyone kung ano talaga itong mga different kind of scam so that everyone could be aware, lahat ng mga kababayan natin maging aware po rito,” aniya pa rin.
Bukod sa mga taong malungkot ngayong paparating na Araw ng mga Puso ay pinag-iingat din ni Abalos ang mga namatayan ng anak at mga biyuda.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na popular sa bansang Africa ang love scam at isa ang Pilipinas na target nito.
Sa katunayan ayon kay Acorda ay mayroon silang data ukol dito.
Iyon nga lamang, sa ngayon, prayoridad ng PNP ang pinagsamang swindling at estafa.
“Basta huwag pindot nang pindot ha sa link. Once pumindot kayo diyan, mahihigop po lahat,” ayon naman kay Abalos.
Kapwa naman itinuturing nina Abalos at Acorda na ang cybercrime ang numero unong krimen ngayon sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
105