PULIS SA RECYCLED ILLEGAL DRUGS PANGANGALANAN NA

tito sotto

(NI NOEL ABUEL)

POSIBLENG magpatawag ng caucus si Senate President Vicente Sotto III sa posibleng pagsasapubliko ng mga pangalan ng mga aktibo at retiradong pulis na pinangalanan sa executive session na nasa likod ng pagre-recycle ng illegal na droga sa Bureau of Corrections (Bucor).

Sinabi ito ni Sotto sa gitna ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson na hihilingin nito sa mga miyembro ng Senate Comittee on Justice and Human Rights na ibulgar ang naging talakayan sa executive session.

Magugunitang noong nakalipas na pagdinig ng nasabing komite ay hiniling ni dating Philippine National Police-Criminal Investigation Detection Group (PNP-CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang executive session para ibulgar ang mga pangalan ng mga pulis na sangkot sa illegal drugs.

“Hindi pa napag-uusapan, baka tumawag ako ng caucus before October 1 or earlier kung talagang kakailanganin. Hindi pa namin napag-uusapan. Medyo maselan,” sabi pa ni Sotto.

Nabatid na sa darating na Oktubre 1, 2019 nakatakdang gumawa ng pang- pitong beses na pagdinig sa kontrobersyal na illegal na gawain sa loob ng Bucor.

Ayon kay Sotto, posibleng iharap sa pagdinig ang isa sa mga convict para magbigay ng nalalaman nitong iregularidad sa Bucor na kinasasangkutan ng mga opisyales at tauhan nito.

 

141

Related posts

Leave a Comment