(NI BETH JULIAN)
NASA pagpapasya na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin kung pabor ito na ipa-recall ang Philippine officials sa China.
Ito ang tugon ng Malacanang sa panawagan ni Senator Risa Hontiveros na pauwiin sa bansa ang Philippne officials sa China pagkatapos maganap ang banggaan ng Chinese fishing vessel at bangka ng mga Filipino na mangingisda sa Recto Bank.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ipinauubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon sa DFA ukol sa mungkahi ni Hontiveros
Nauna nang hinamon ng Malacanang ang China na magsagawa ng imbestigasyon at parusahan ang mga dapat na parusahan sa naturang insidente.
Pahayag ng Malacanang, ang ginawang pag-iwan sa karagatan sa mga Pinoy na mangingisda ay pagpapakita ng China ng pagiging uncivilized at barbaric dahil labag ito sa Maritime protocol.
424