RED-TAGGING HINDI BAHAGI NG PATAKARAN NG GOBYERNO – DOJ

NILINAW ng Department of Justice (DoJ) na hindi bahagi ng patakaran ng gobyerno ang red-tagging.

Ito ang sinabi ni DoJ Undersecretary Raul Vasquez kasunod ng pangamba tungkol sa red-tagging, media killing at impunity sa ginanap na closed door meeting kasama ang mga opisyal ng ahensya nitong Miyerkoles.

Tinugunan ni United Nations Special Rapporteur on Freedom of Expression at Opinion Irene Khan ang mga alalahanin tungkol sa mga nabanggit na isyu.

Aniya, mas abot ng Justice department sa civil society organizations pagdating sa paghawak ng mga kaso ng mga biktima ng red-tagging para makatulong sila sa pagkuha ng ebidensya at pagtulong sa law enforcement agencies.

Samantala, humingi rin si Khan ng mga update sa pagkamatay ng apat na personalidad ng media kabilang ang broadcaster na si Percy Lapid na nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa impunity sa mga media practitioner.

Itinuloy aniya ang kaso sa isang mataas na opisyal ng gobyerno na akusado sa krimen, naglabas na rin aniya ng warrant of arrest na tumutukoy sa kaso ni Lapid.

Si Khan ay bibisita sa Metro Manila, Baguio at Cebu City mula Enero 23 hanggang Pebrero 2, 2024.

Ibibida niya ang kanyang mga natuklasan mula sa 10-araw na serye ng mga talakayan sa 59th session ng UN Human Rights Council noong Hunyo 2023.

(JULIET PACOT)

36

Related posts

Leave a Comment