QUIBOLOY HINAMON LUMANTAD SA SENADO

HINAMON ni Senador Risa Hontiveros si Pastor Apollo Quiboloy na lumantad na lamang sa Senado at harapin ang imbestigasyon sa kanya.

Ito ay kasunod ng inilabas na audio recording ni Quiboloy kung saan tinawag nitong bogus ang pagdinig ng Senado sa mga umano’y pang-aabusong ginawa niya sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Sinabi ni Hontiveros na pinaghahandaan nila ang susunod nilang pagdinig kaya’t kung handa anya si Quiboloy ay mas maiging magpakita na lamang ito sa Senado.

Ipinaalala ng senadora na si Quiboloy ang sentro ng mga paratang ng mga biktima kaya siya ang dapat sumagot.

Kinumpirma rin ng mambabatas na pormal na nilang hihilingin sa Department of Justice ang pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order o Hold Departure Order laban kay Quiboloy.

Una na ring nagdesisyon ang kOmite na isyuhan ng subpoena si Quiboloy dahil sa pang-iisnab sa pagdinig ng Senado sa kabila ng dalawang beses na imbitasyon sa kanya.

(DANG SAMSON-GARCIA)

37

Related posts

Leave a Comment