RED TIDE ALERT ITINAAS SA 4 COASTAL AREAS

TINUKOY ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes na apat na coastal areas ang nakitang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lampas sa regulatory limit.

Ayon sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes, na kilala rin bilang alamang, na nakukuha mula sa mga sumusunod na lugar ay hindi ligtas para sa pagkain ng tao: Baybaying tubig ng

Milagros sa Masbate, Baybaying tubig ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

“Ang isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas para sa pagkain ng tao basta’t ang mga ito ay sariwa at hugasan nang maigi, at ang mga panloob na organo tulad ng hasang at bituka ay inaalis bago lutuin,” sabi ng ahensya sa pinakahuling shellfish bulletin nito.

Kaugnay nito, sinabi ng BFAR na ang San Pedro Bay sa Samar ay libre na sa nakalalason na red tide. (PAOLO SANTOS)

356

Related posts

Leave a Comment