(NI ABBY MENDOZA)
IPINAGBABAWAL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkain ng lamang dagat sa 9 na lugar sa bansa matapos kakitaan ito ng mataas na red tide toxin.
Nakataas ang red tide alert sa Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan; Maqueda, Irong-irong, Silanga, at Cambatutay Bays sa Western Samar; San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur; Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.
Sa ipinalabas na advisory ng BFAR sinabi nito na mataas ang paralytic shellfish poison sa sample na nakuha sa nasabing mga lugar kaya mahigpit na ipinagbabawal ang paghuhuli at pagkain ng lahat ng uri ng shellfsh at alamang.
Inatasan ng BFAR ang mga LGUs na bantayan ang paghuli at pagbebenta ng mga lamang dagat sa nasabing mga lugar upang maiwasan na mabiktima ng red tide poisoning ang mga residente.
Maaari naman na kainin ang iba pang lamang dagat gaya ng isda, pusit, hipon at crab subalit kailangan lamang na linisin ng mabuti ang mga ito, tanggalin ang laman loob at lutuin ng mabuti.
311