PRAYORIDAD ng Pilipinas na unahin ang renewable energy options gaya ng hydropower, geothermal power, solar at iba pang low-emission energy sources.
Sa kanyang opening statement sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Bangkok, tinuran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang prayoritisasyon ay magagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng target para sa tinatawag na “higher share” ng renewable energy sa power generation mix na 35% sa 2030 at 50% naman sa taong 2040.
Ayon sa Pangulo, isa sa mga pangunahing hamon na kailangang tugunan ay ang climate change, na aniya’y “most pressing existential challenge of our time” na may matinding epekto sa global economy.
Sinabi pa ng Pangulo na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nasa “great risk” mula sa climate crisis, hindi kasi malayong mangyari na mawalan ito ng mahigit sa 6% ng gross domestic product (GDP) annually sa 2030, batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB).
“Although global agreements seeking multilateral solutions to the climate crisis, particularly the UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) and the Paris Agreement, are in force, “not enough” progress has been made as emissions continue to rise,” ayon sa Pangulo.
“The Conference of the Parties to the UNFCCC (COP 27) is in full swing, but stronger climate action is required. As the energy demands of the modern global economy continue to expand rapidly, diversification into renewables and other sources is imperative,” aniya pa rin.
Sa mensahe pa rin ng Pangulo, sinabi nito na kailangang paigtingin ng APEC member economies ang pagtugon sa structural at policy issues para kontrahin ang epekto ng pandemya, tunggalian sa ibang bahagi ng mundo at climate change.
Ani Pangulong Marcos, ang food insecurity ay naging serious global issue at problemang naramdaman ngayon ng bawat pamilya.
188