REP. TAN IPINASUSUSPINDE NG SANDIGAN

sandigan

90-ARAW na suspensiyon ang iniutos ng Sandiganbayan kay Samar Rep. Milagrosa Tan habang nahaharap ito sa kasong graft at malversation of public funds dahil sa maanomalyang pagbili ng mga gamot.

Inutos na rin sa Kongreso ang implementasyon ng suspensiyon.

Kasabay na sinuspinde ang provincial treasurer na si Bienvenido Sabanecio Jr., officer-in-charge, provincial general service officer Arial Yboa at supply officer George Abrina.

Sinabi sa record na sinamantala ni Tan ang kanyang posisyon noong 2007 bilang gobernadora nang bilhin ang ibang ibang gamot at dental supplies mula sa Zybermed Medi Pharma na pag-aari ng isang pribadong kompanya at pag-aari ng ng isang Roselyn Larce, sa pagitang ng March 28 at August 21, 2007.

Ang Zybermed, nakabase sa Pasig City, ay hindi lisensiyadong magsagawa ng operasyon sa Catbalogan City, ayon pa sa prosekusyon.

326

Related posts

Leave a Comment