PACMAN NAGPAULAN NG BIYAYA SA 40th BDAY

manny

UMULAN ng biyaya sa mga may 4,000 katao sa Saranggani nang mamudmod si boxing icon at incumbent Senator Manny Pacquiao sa pagdiriwang ng ika-40 kaarawan.

Namahagi ang senador ng groceries sa kanyang nasasakupan. Umaga pa lang ay mahaba na ang pila sa labas ng Pacman Beach Resort sa Tinoto, Saranggani at nang buksan ang gate ay kanya-kanyang takbo papasok ang libong residente ng Saranggani upang tanggapin ang regalo ni Pacquiao.

Sa interview, sinabi ng WBA welterweight champ na masaya sya at nakakatulong sa mga taong mahihirap sa kanyang lugar at nangakong patuloy na mamamahagi ng biyaya para sa mga ito.

“Pag meron talaga ako, hindi pwedeng hindi ko i-share sa mga tao,” sabi nito.

Habang nakapila ay nagkantahan ang mga tao ng birthday song at labis labis na pasasalamat dahil sa kabaitan ng senador. Marami rin ang dumayo pa sa lugar ni Pacquiao nang mabalitaang mamamahagi ito ng regalo sa kanyang kaarawan.

14

Related posts

Leave a Comment