ANTI-DRUG OPS TULOY KAHIT PASKO — PNP

PNP

KAHIT sa Kapaskuhan, hindi magpepetiks sa pansitan ang Philippine National Police (PNP) sa operasyon laban sa droga, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde.

“’Di tayo titigil diyan dahil iba naman ‘yung nag-ooperate [na police unit] sa anti-illegal drugs,” ayon kay Albayalde.“’Yung gagawa sa operations sa anti-illegal drugs ay hindi naman ‘yan maitatalaga doon sa mga ibang duties and responsibilities para sa kapaskuhan lalo na ‘yung Oplan Sita, police presence, ‘yung pagtatalaga ng police assistance desks lalo na sa malalaking simbahan,” ayon pa dito.

Tiniyak din ni Albayalde ang publiko sa mataas na presesnya ng kapulisan ngayong holiday season dahil na rin sa inaasahang pagkilos ng masasamang elemento. “Yung pagsasapit ng kapaskuhan ay tumataas ‘yung ating crime lalo na ‘yung crime against properties natin.  Tyak na mababawasan yan,” sabi pa ni Albayalde.

6

Related posts

Leave a Comment