REPORT SA WAR ON DRUGS KILLINGS NG UNHCHR, KINONTRA

pcoo33

(NI BETH JULIAN)

KINONTRA ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pahayag ng United National High Commissioner for Human Rights kaugnay sa datos ng napapatay dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay PCOO Assistant Secretary Marie Rafael Banaag, iginiit nito na tama ang bilang na 5,425 ang napapatay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga dahil tugma ito sa datos na hawak ng Philippine National Police (PNP).

Una nang sinita ng United National High Commissioner for Human Rights chair Michelle Bachelet at Iceland Minister of Foreign Affairs Gudlaugur Thor Thordarson na hindi tugma ang bilang ng mga napapatay sa illegal drugs campaign ng pamahalaang Duterte base sa isinasagawang imbestigasyon dito.

Matatandaan na naglabas ng resolusyon ang Iceland na humihiling kay UN Human Rights Council Secretary General Michelle Bachelet na magsulat ng komprehensibong report tungkol sa sitwasyon sa Pilipinas at iprisinta sa konseho.

Sa hirit ng Iceland, aabot sa 18 mula sa 47 mga bansa na kasapi ng UNHRC ang pumabor sa desisyon para sa imbestigasyon sa war on drugs ng pamahalaan.

Ang mga pumabor ay ang mga bansang Australia, Argentina, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czek Republic, Denmark, Figi, Iceland, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Ukraine, UK of Great Britain,  at  Northern Island of Uruguay.

157

Related posts

Leave a Comment