(NI BERNARD TAGUINOD)
IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magtayo sa mga gusali lalo na sa mga malls, ng restroom para sa mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisecual, Transgender (LGBT) Community.
Ginawa ni House committee on labor chairman Eric Pineda ang nasabing pahayag kasunod ng naging karanasan ng transgernder na si Gretchen Custodio Diez sa Farmers Plaza sa Quezon City nang arestuhin, posasan dahil sa tangkang paggamit nito sa restroom ng mga babae.
Naging malaking kontrobersya ang nasabing insidente dahil hindi pinalagpas ng mga mambabatas at LGBT community ang pagtrato kay Diez .
“If that’s the case, the resolution there is to also come up with another restroom for third sex so that hindi na tayo nagkakaroon ng problema,” ani Pineda sa press conference nitong Huwebes sa Kamara.
Ayon sa mambabatas, hindi masisisi si Diez na gamitin ang CR para sa mga babae dahil posibleng mailang ito sa kapag pumasok sa palikuran ng mga lalake.
“(Kaya) sa akin we come up with another restroom for our brothers and sisters in LGBT community,” ayon pa Pineda.
Sinabi naman ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na dapat na rin umanong pag-aralan ang pagkakaroon ng “all gender restroom” tulad ng ginawa sa Clark International Airport sa Pampanga.
“May tinatawag dun (Clark international airport) na all gender restroom,” ani Nograles sa nasabi ding press conference at hindi umano ito ipinagbabawal ng batas.
Ang nasabing palikuran ay puwedeng gamitin ng lahat umano ng tao, lalake man o babae kasama na ang mga LGBT community at hindi umano ito aniya ang unang “All Gender Restroom” na itinayo.
“If I’m not mistaken, Ateneo de Davao University was the first institution that have all gender restrooms,” ayon pa kay Nograles.
136