RESULTA NG PRICE CAP NI BBM SA BIGAS SUSURIIN

POSIBLENG makipagpulong ang mga opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na linggo para pag-usapan ang kinalabasan ng pagpapataw ng price cap sa bigas.

“We’ll more likely meet again next week because he did say he wants us to meet again and see the numbers, see the indicators, see the outcomes versus the objectives of the price cap and we’ll make a decision,” ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa sidelines ng paglulunsad ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) sa Manila Metropolitan Theater, araw ng Miyerkoles.

“But we all recognize there are so many moving parts and this price cap could not be expected to last very long because that creates a lot of problems,” dagdag na pahayag nito.

Sa inaprubahan ni Marcos na “mandated price ceilings” sa regular milled rice at well-milled rice — doble pa rin ito sa ipinangako niyang P20 kada kilo noong panahon ng kampanya.

At upang mas mapababa pa ang presyo ng bigas, nauna nang inirekomenda ng NEDA ang pagbabawas sa taripa sa imported rice.

Binasura naman ni Pangulong Marcos ang panukalang ito.

(CHRISTIAN DALE)

325

Related posts

Leave a Comment