RICE IMPORTERS TITIBA NG P12 BILLION

HINDI bababa sa labing dalawang bilyong piso ang maisusubi ng rice importers kapag itinuloy ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagtanggal ng taripa sa aangkatin nilang bigas.

Ito ay ayon kay Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano.

Pista aniya ang mga rice importer na posibleng sabayan naman ng smugglers.

“The government is set to incur an estimated P12 billion in foregone revenues from rice import tariffs if the DOF (Department of Finance) pushes through with their preposterous proposal,” ani Mariano.

Layon umano ng DOF na maibaba ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagtanggal sa taripa ng mga imported rice bagay na tinutulan ng grupo ni Mariano dahil bukod sa mawawalang buwis ay walang kasiguraduhan na bababa ang presyo ng mga imported rice.

Kinastigo rin ng dating mambabatas si Marcos dahil imbes na gumanda ang sitwasyon ng sector ng agrikultura dahil siya ang tumatayong kalihim ng Department of Agriculture (DA) ay lumala pa ang kalagayan ng mga magsasaka kaya numero-uno na ang Pilipinas na rice importers sa buong mundo.

“Ang sabi ng Pangulo, gusto niyang maayos ang agrikultura pero kabaligtaran ang nangyayari. Panahon na talaga para umalis siya bilang Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura,” banggit pa ni Mariano.

Base sa report ng United States Department of Agriculture (USDA), aabot na sa 3.8 million metric tons ang aangkating bigas ng Pilipinas kaya naungusan na nito ang China na umaabot na lamang sa 3.5 million MT ang kulang sa supply na kukunin sa ibang bansa.

Naniniwala naman ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee na kung maibibigay lang ng gobyerno ang mga kailangang suporta ng mga lokal na magsasaka na tinagurian nitong nito “food security soldiers” ay hindi malayong makamit ang self-sufficiency sa bigas.

(BERNARD TAGUINOD)

311

Related posts

Leave a Comment