ROLBAK DIN SA PRESYO NG PAGKAIN

PAGKAIN-7

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Nararapat lamang na isunod ang pagpapababa sa presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa pagkain, dahil sunod-sunod ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ang panawagan ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano dahil sa panibagong oil price rollback na ipapatupad ng mga kumpanya ng produkto ng langis sa sa Martes.

Inaasahang mababawasan ng P2 piso bawat litro ng gasolina, P2 sa kerosene at P2.10 sa diesel.

Kamakalawa, nagsimula nang bawasan ng mahigit P6 ang bawat kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

“Good news! I hope our inflation goes down as well,” ani Alejano.

Napansin ng mambabatas na nananatiling mataas ang presyo ng mga batayang produkto kahit ilang ulit na ring nabawasan ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Matatandaang naging mainit na isyu ang “inflation” simula nang ipatupad ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law noong Enero.

Nadagdagan ng P2.50 ang excise tax ng bawat litro ng mga produktong petrolyo ngayong 2018 dahil sa TRAIN law.

Madadagdagan ito ng P2 pagpasok ng bagong taon kung itutuloy ang ikalawang serye ng TRAIN Law.

Ayon kay Alejano, “… the 2nd round of excise tax on petroleum products this January 2019 must be suspended. Mabigat ang tama sa ating mga mahihirap na kababayan.”

5

Related posts

Leave a Comment