KRUSYAL ANG LARO NG TEAM FILIPINAS LABAN SA IRAN

TEAM PH-3

Kinakailangang manalo ng Pinoy dribblers upang makakalas sa pagkakatabla sa Japan sa Group F ng Fiba World Cup qualifiers.

Pero, may magandang balita, bagamat hindi kumpirmado, tatlo umano sa pangunahing manlalaro ng Iran ang hindi lalaro.

Ayon sa impormasyong nakarating Saksi Ngayon online, hindi kasama ang mga pangalan nina big man Hamed Haddadi, big guard Samad Nikkah Bharami at Arsalan Khazemi sa lineup na isinumite ng koponan sa pamunu-an ng Fiba para sa fifth window ng qualifying games.

Kung totoo ito, malaki ang oportunidad ng Team Filipinas na manalo.

Sisikapin ng tropa ni coach Yeng Guiao na makabangon mula sa pagkatalo sa Kazakhstan (92-88) nitong Biyernes ng gabi.

Apat na bagong mukha ang isasabak ni coach Guiao sa Lunes laban sa Iran.

Ito ay sina Christian Standhardinger, Troy Rosario, Jayson Castro at Arwind Santos.

Pinalitan ng apat sina Greg Slaughter, Poy Erram, Stanley Pringle at Alex Cabagnot.

Nananatili pa rin sa line-up sina Japeth Aguilar, Beau Belga, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Gabe Nor-wood, LA Tenorio, Scottie Thompson at Matthew Wright.

“’Yun din ang balita namin (wala ‘yung key players nila), pero hindi namin alam kung totoo,” lahad ni Guiao matapos ang praktis ng Nationals Linggo ng gabi sa MOA Arena.

“My advice to the guys was ‘let’s talk about all the things that we need to make adjustments on, the lessons that we learned, absorb it and let’s not carry the negative feeling on the way to Monday’,” wika ni Guiao.

Alas siyete ng gabi ang Philippines-Iran game.

Ang Team Filipinas ay naghahangad na makakuha ng puwesto sa 2019 World Cup na gaganapin sa China.

8

Related posts

Leave a Comment