ROQUE MAHINA ANG PUSO; UMATRAS SA KANDIDATURA

harry1

(NI BETH JULIAN)

ILANG buwan pa lamang bago ang 2019 midterm elections, nalagasan na ng isang pambato sa Senado ang PDP Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pag -atras sa kandidatura ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Kahapon ang pinal na paghahain ng certificate of withdrawal ni Roque sa Commission on Elections na agad namang tinanggap ng komisyon.

Sa isang kalatas, sinabi ni Roque na nagpasya siyang hindi na tumakbo sa pagka-senador para sa kanyang kalusugan.

Sinabi nito na kamakailan ay sumailalim siya sa percutaneous coronary intervention matapos niyang madiskubre na mayroon siyang unstable angina coronary disease.

Ayon kay Roque, pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna at magkaroon muna ng healthy lifestyle.

“Payo po sa akin ng doktor na itong election campaign ay hindi makatutulong sa aking healthy lifestyle na kinakailangan ko to fully recover kaya nagdesisyon na akong hindi tumakbo. Well, I’m very sad with the development pero health come’s first,” wika ni Roque.

Nagpaabot naman ng lubos na pasasalamat si Roque sa lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura.

Samantala, umaasa si Roque na darating din ang tamang panahon na makapaglilingkod siya sa sambayanan bilang mambabatas o sa kung anuman ang kapasidad mayroon siya.

“It is my sincere hope that I will someday again have the honor to serve the Filipino people as a legislator, or in whatever other capacity I may be of service. I continue to support our President and this administration and wish only the best for our country. God bless us all! ,” pahayag pa ni Roque.

Samantala, nirerespeto naman ng Malacanang ang desisyon ni Roque.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na may karapatan naman ang sinuman na magbago ng desisyon.

 

6

Related posts

Leave a Comment