Sa laban sa ICC – Colmenares BUWIS NI JUAN ‘WAG LUSTAYIN KAY DUTERTE

HINDI dapat ginagastusan ng gobyerno mula sa buwis ng taumbayan ang pagdepensa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ginawa ni Bayan Muna chairman at dating Congressman Neri Colmenares ang pahayag kasabay ng pagbubunyi na tinabla ng ICC Appeals Chamber ang kahilingan ng Marcos-Duterte administration na suspendihin ang imbestigasyon sa war on drugs ng dating pangulo.

“We reiterate our demand that the Philippine government withdraw any use of public funds for the defense of ex-president Duterte considering the budget deficit and extreme economic conditions that the country is in,” ani Colmenares.

Mayaman aniya si Duterte kaya ito ang dapat magbayad sa UK Lawyer na si Sarah Bafadhe na kinuha ng gobyerno para magdepensa sa kanya at kanyang mga kasama sa ICC.

Bukod dito, ipinagmalaki rin aniya ng dating pangulo na magaling itong abogado at kayang idepensa ang sarili sa ICC.

“On October 13, 2016, former Pres. Duterte arrogantly belittled the ICC saying ‘l’ll play with you. I’m very sure they cannot be brighter than me. I will ask five questions that will humiliate you.

Watch out for that, it will be a spectacle’ as he had been a trial lawyer for eight years. Ex-president Duterte claims that he can ‘humiliate’ the ICC and win his case if given the chance,” litanya pa ni Colmenares.

Ikinatuwa ni Colmenares ang desisyon ng Appeal Chamber dahil kung patatagalin aniya ang imbestigasyon ay posibleng mawala na ang mga dokumento ukol sa extrajudicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs. Posible ring malagay sa panganib ang seguridad ng mga kaanak ng mga biktima. (BERNARD TAGUINOD)

130

Related posts

Leave a Comment