Sa pagbasura ng SC sa DQ petitions WALA NANG BALAKID KAY PRES. MARCOS

NANINIWALA ang dating opisyal ng Commission on Elections na maayos ang magiging takbo ng anim na taong termino ni President Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay bunga ng pagbasura ng Supreme Court sa disqualification cases na inihain laban sa bagong Pangulo.

Si Marcos Jr. ay manunumpa ngayong araw bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay dating Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, pinagtibay ng desisyon ng SC sa disqualification cases ni Marcos Jr. ang kanilang naunang desisyon na nagbabasura sa mga nasabing petisyon.

“I personally view the Supreme Court’s concurrence to our legal reasoning as another feather in the Comelec’s proverbial cap for the 2022 National and Local elections,” Ani Pangarungan.

Inalala pa niya ang en banc meetings ng komisyon kung saan ibinahagi niya ang kanyang mga pilosopiya.

Nitong Martes, ibinasura ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni Marcos sa botong 13-0
“The Court held that in the exercise of its power to decide the present controversy led them to no other conclusion but that respondent Marcos Jr. is qualified to run for and be elected to public office. Likewise, his COC, being valid and in accord with the pertinent law, was rightfully upheld by the Comelec,” ayon sa pahayag ng SC Public Information Office.

Nabatid na hindi lumahok sa desisyon sina Associate Justices Henri Jean Paul Inting at Antonio Kho Jr.

30K spectators

Inaasahang aabot sa 30,000 katao ang magtutungo ngayon sa Intramuros, Maynila upang manood ng inagurasyon ni Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesman, Col. Jean Fajardo, binuksan ng organizers ang Intramuros Golf Course bilang area para sa mga civilian attendee na nais sumaksi sa makasaysayang aktibidad.
Pinayuhan naman nito ang mga manonood na iwasang magdala ng backpack, non-transparent water containers, matutulis at matatalas na bagay, alak, sigarilyo, paputok at drones.

DOH at Red Cross
may medical team

Kaugnay nito, magkatuwang ang Department of Health (DOH) at Philippine Red Cross (PRC) sa deployment ng kanilang medical team sa National Museum sa Maynila para sa inagurasyon ni BBM ngayong Huwebes.

Ang DOH-NCR ay magpapakalat ng mga health personnel, ayon kay DOH-NCR Dir. Dra. Gloria Balboa.

Ito ay upang mapaghandaan at mabigyan ng medical assistance ang mangangailangan sa nasabing araw dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao at supporters para saksihan ang makasaysayang panunumpa ng bagong Presidente ng Pilipinas.

Ayon naman kay Edison Enriquez ng PRC, mayroong hindi bababa sa walong manpower ang idedeploy ng Red Cross.

Mayroon din aniyang dalawang ambulansya na nakahanda. (RENE CRISOSTOMO)

107

Related posts

Leave a Comment