(NI BETH JULIAN)
KAUNTING panahon pa ang itatagal bago maglabas ng desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang magiging House Speaker.
Ito ay matapos itugon ng Pangulo kay Senador Manny Pacquiao nang tanungin ito kung sino sa mga kandidato ang magiging common candidate ng partido.
Ayon naman kay Senator elect Bong Go, base sa kanilang pag- uusap ng Pangulo, isa sa mga isasaalang-alang sa pagpili ng kandidato ay ang makatutulong sa partido.
Kabilang sa mga kandidato sa puwesto ay sina Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, Pampanga Congressman Aurelio Gonzales Jr. at Davao del Norte Congressman Pantaleon Alvarez na pawang miyenbro ng PDP-Laban.
136