SEAG HERO PARARANGALAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

PARARANGALAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang itinuturong na “bayani” sa 30th Southeast Asian Games na si Roger Casugay na nagligtas sa buhay ng Indonesian surfer sa surfing competition sa La Union.

Ito ang nakasaad sa  House Resolution 585 o “Resolution commending the act of heroism” of Mr. Roger Casugay during the surfing competiton of the Southeast Asian game 2019 in the province of La Union,”  na inakda ni La Union Rep. Pablo Ortega.

Naging viral ang pagliligtas ni Casugay sa nakalabang Indonesian surfer,  na isinakripisyo ang pagkakataon na maka-gintong medalya kaya itinuturing ito na “bayani sa 30th Sea Games”.

Maging si Indonesian President Joko Widodo ay humanga at nagpasalamat kay Casugay sa ginawa nitong kabayanihan para iligtas ang kanyang kababayan sa tiyak na kapahamakan.

“My appreciation to Roger Casugay, a Filipino surfer who gave up his chance to win the gold medal in a bid to help an Indonesian athlete who fell during the competition,” ani Widodo sa kanyang tweet.

“Winning a competition and upholding sportsmanship is important, but still, humanity is above all. Greetings from Indonesia,” ayon pa sa tweet ng Indonesian President.

Nais naman ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na bigyan ng medalya si Casugay sa kanyang bayanihan tulad ng Gawad Balangay dahil ipinakita nito na mas importante ang buhay ng tao kesa medalya.

“For athletes like Filipino surfer Roger Casugay, who heroically came to the rescue to Indonesia’s surfer during the 30th SEA Games, this Balangay Medal would be for him,” ani Fortun.

Kabilang ang Balangay Medal sa mga medalyang nais ipapatag ng mambabatas sa pamamagitan ng batas, para mga atleta na nag-uwi ng karangalan sa bansa sa larangan ng sports.

161

Related posts

Leave a Comment