4Ps BENEFICIARIES PINALILIBRE SA VAT

4ps12

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas na ilibre ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa value added tax (VAT).

“For me ang laking tulong kung matatanggalan ng 12% (VAT) lahat ng binibili ng mga miyembro ng 4Ps. Pag sila ang bumibili dapat minus VAT na sila,” paliwanag ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara.

Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay mga pamilyang may pinag-aaral na anak mula kindergarten hanggang senior high school subalit kapag natapos na sa basic education ang kanilang mga supling ay inaalis na ang mga ito sa nasabing programa.

Kasabay nito, nais ng mambabatas na pag-aralang mabuti ang mga ayuda program ng gobyerno dahil marami umanong namimihasa.

Sa radio interview, nilinaw ni Vergara na pabor siya sa 4Ps ngunit dapat pag-aralan ang ibang uri ng ayuda dahil marami aniya ang namimihasa rito.

Sa ngayon, bukod sa 4PS ay mayroong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD, Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Naniniwala naman ang mambabatas na epektibo ang 4Ps.

(BERNARD TAGUINOD)

70

Related posts

Leave a Comment