SIGNAL NUMBER 1 NAKATAAS SA 9 NA LALAWIGAN DAHIL SA BAGYONG USMAN

BAGYONG USMAN

(Ni FRANCIS ATALIA)

NAKATAAS ngayon ang public storm warning signal number 1 sa mga lalawigan ng Sorsogon at Masbate, kabilang ang Ticao Island; Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Northern Cebu kabilang ang Camotes Islands; maging sa Dinagat Island.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, napanatili ng bagyong Usman ang lakas nito na may hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras habang nagpapatuloy sa paggalaw sa direksyong kanluran, hilagang-kanluran. Namataan ang bagyo sa layong 435 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Posibleng itaas din ang signal number 1 sa lalawigan ng Romblon, Albay kabilang ang Burias Island, Aklan, Capiz, hilagang bahagi ng Negros Occidental, at hilagang bahagi ng Iloilo.

Mayroong posibilidad na lumakas ang sama ng panahon at maging isang Tropical Storm.

Ang bagyong Usman ay inaasahang tatama sa kalupaan bukas, December 28, at sa bisperas naman ng Bagong Taon ito lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

5

Related posts

Leave a Comment