ECOWASTE COALITION: NATIONAL PLASTIC BAN IPATUPAD NA

LUNETA-BASURA.jpg

(Ni FRANCIS ATALIA)

NANAWAGAN ang Ecowaste Coalition na ipatupad na ng pamahalaan ang National Plastic Ban upang hindi na mamihasa ang tao sa pagtatapon ng ‘holiday trash’.

Ito ang reaskyon ng grupo sa sangkaterbang basura na nilinis ng mga street sweeper sa Lunera Park matapos na magdiwang roon ng Pasko ang ilan nating kababayan.

Ilan sa iniwang kalat ng mga namasyal ay mga gamit na plastic bottles, cups, bags at mga tirang pagkain na ngangamoy panis na.

Ayon kay Aileen Lucero ng Ecowaste Coalition, hindi masamang magdiwang ng Pasko subalit dapat maging responsable sa mga kalat.

Kilangan umanong magkaroon ng ngipin ang “littering” dahil habang walang napaparusahan ay patuloy na magiging problema ang walang habas na pagtatapon ng basura.

3

Related posts

Leave a Comment