SOCMED, ONLINE ADS NG KANDIDATO IMOMONITOR

socmed

IMOMONITOR ng Commisision on Elections ang social media at online advertisements para sa midterm elections kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga blogs at social media post ay isasailalim sa campaign regulations.

Sa resolusyon, inatasan ng poll body ang lahat ng political parties at kandidato na i-register sa Education and Information Department ng Comelec ang website name at web address ng official blog o social media page na gagamitin sa kanyang online campaign materials.

Ang ibang blogs at social media pages na wala sa ilalim ng kandidato o political party ngunit ginagamit para iendoso ang kandidato ay maituturing na karagdagang official blogs o social media pages ng kandidato, ayon pa sa resolusyon.

Sa ilalim ng resolusyon, ang may ari ng website o admin ay kailangan nang mag-sumite sa Comelec ng kanilang broadcast logs, certificates of performance, affidavits of publication and iba pang record para maisama sa gastusin ng kandidato.

Ang bawat kandidato na kasama sa isang political party ay mayroong P3 budget sa bawat registered voter habang ang walang political party ay mayroong P5 kada isang registered voter.

Limang piso naman kada registered voter ang maaaring gastusin ng political parties at party-list group.

205

Related posts

Leave a Comment