SOLON NA NAGKAKAMPIHAN SA KAMARA; ‘DI AKO NASISINDAK! – PING

pinglacson12

(NI NOEL ABUEL)

NANINDIGAN si Senador Panfilo Lacson na hindi ito magpapasindak sa mga kongresista dahil sa pagbusisi nito sa 2020 national budget na pamahalaan na pinasukan ng pork barrel ng mga huli.

Ayon kay Lacson, kailangang matiyak na maayos na magagamit ang P4.1 trillion na pondong hinihingi ng pamahalaan dahil  pera ito ng taumbayan.

“Ito taun-taon ginagawa ko ito hindi lang ngayong taon na ito, hindi lang naman dahil ang nagsalita si Cong. Castro o Cong. Defensor o Cong. Abante. Maski sino naman ang napansin natin na talagang inaabuso ang budget, kasi tingnan n’yo. First budget year ni GMA, 2001, kasi nag-takeover siya 2001, for 2002, magkano ‘yan? Wala pang isang trilyon. If I recall it right, nasa mga P800B. Then 20 years fast forward tayo magkano budget sa 2020? P4.1 trillion,” paliwanag ni Lacson.

Giit pa ng senador, kung iikot lamang ang mga Filipino sa iba’t ibang panig ng bansa ay mapapansin na wala masyadong nakikitang development na pinaggamitan ng pondo.

“Mag-ikot tayo sa PH, may nakita ba kayong equivalent or reflective ng pag-increase ng budget natin through the years? From 800B and then now it’s 4.1T? Mag-ikot kayo, kayo nakakagala rin naman kayo. May nakita ba kayong development o livelihood na commensurate sa nakita nating pag-increase ng budget taon-taon? Parang wala,” sabi nito.

Inihalimbawa pa ni Lacson ang SCTEX, TPLEX, NLEX, SLEX, na ang mga motorista ang nagbabayad ng toll sa kadahilang pribado sektor ang may hawak nito gayundin ang pagtaas pa ng buwis na ipinapataw sa bawat produkto at mga pangunahing bilihin.

“Ang resultang nakikita natin tumaas ang tax natin, pati gasoline tumaas na. Ang presyo ng sardinas at pagkain. ‘Yan lang ang resulta, ang epekto. Pero wala tayong masyadong nakitang improvement pagdating sa infrastructure na commensurate,” ayon pa kay Lacson.

 

149

Related posts

Leave a Comment