SOTTO DUDA KAY ‘BIKOY’; PNOY, MAR IDINAWIT DIN

bikoy23

(NI NOEL ABUEL)

IBINULGAR ni Senate President Vicente Sotto III na minsan nang idinawit ni Peter Joemel Advincula na magpakilalang “Ang Totoong Narcolist” video narrator ‘Bikoy’ sina dating pangulong Benigno Aquino III, dating Interior and Local Government secretary Mar Roxas at Senador Leila de Lima, sa ipinagbabawal na gamot.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, ipinakita ni Sotto sa pamamagitan ng powerpoint presentation, na taong 2016 nang lumapit sa kanya si Advincula at nagsumite ng sinumpaang testimonya gayundin ng 19 bank accounts.

Ngunit tinanggihan umano nito ang nais mangyari ni Advincula kung saan unang ginawa nito ay siyasatin sa bankong HSBC ang nasabing bank accounts at sinabi ng huli na walang alphanumeric code na kahalintulad sa ipinakitang dokumento ni Advincula.

“Binigyan ako ng bank account na HSBC daw ang ginagamit. I did verify it before. Ang una kong ginawa tinanong ko sa HSBC kung meron silang account na ganu’n. Ang sinasabi sa HSBC Makati daw. Isang account lang ang binigay ko sa HSBC. Sabi ni hindi ganyan ang numbering nila,” aniya pa.

Kasabay nito, sinabi ni Sotto na dapat na maging aral sa ibang indibiduwal ang kahalintulad ni Advincula na lumalapit at nagsasabi ng isang bagay laban sa isang tao.

“This is a very good lesson to the IBP [Integrated Bar of the Philippines]. Bago tanggapin pag-aralan muna,” sabi ni Sotto.

 

269

Related posts

Leave a Comment