‘SPECIAL TREATMENT’ KAY REMULLA PINALAGAN NG SOLON

INISA-ISA ni Rep. France Castro ang mga batayan na nagpapakita aniya ng espesyal na pagtrato sa kaso ng anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Juanito Jose Diaz Remulla III.

“This (special treatment) started with the almost 2-day delay of publicizing the arrest of Juanito Remulla in Las Piñas City. His father who was in Geneva was even among the first to know the arrest. What transpired during the almost 2 day delay,” ani House deputy minority leader Castro.

Magugunita na nahuli si Remulla III noong October 11, 2022 matapos tanggapin ang package na naglalaman ng kush o high grade marijuana na nagkakahalaga ng P1.3 million mula sa California.

Gayunman, October 13 lamang isinapubliko ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang impormasyon sa pagkakahuli sa anak ng Justice Secretary.

“Second is the blurring of Juanito Remulla’s mugshots that the PDEA released to the media. Their common practice though is that they not only release the unaltered mugshots of drug suspects but they also parade them in front of media as early as they can,” ayon pa kay Castro.

“Third, the younger Remulla is being protected from taking the mandatory drug test for anyone arrested on drug charges. It should have been done within 24 hrs after his arrest if there is reasonable ground to believe that he is under the influence, but with the almost 2 day delay that was skipped by the PDEA and even up till now he has not been tested,” dagdag pa ng mambabatas.

Naging kalakaran na aniya sa PDEA na agad isinasailalim sa drug test ang lahat ng kanilang mga huli na sangkot sa ilegal na droga bagay na hindi agad ginawa sa batang Remulla.

Maging ang kasong “importation of illegal drugs” na dapat naisampa na aniya sa Pasay City ay hindi pa rin ginagawa kaya ibinilang ito ng mambabatas bilang isang “special treatment”.

“What is taking the Pasay prosecutor so long?,” tanong pa ni Castro. (BERNARD TAGUINOD)

10

Related posts

Leave a Comment