SUBPOENA KAY DIOKNO IPINADALA NA NI GMA

Diokno

(NI BERNARD TAGUINOD)

NILAGDAAN at naipadala na ni House Speaker Gloria Macapagal ang subpoena ang subpoena laban kay Departmet of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Sa kopya ng subpoena ad testificandum na inisyu laban kay Diokno, inaatasan ni Arroyo ang kalihim na dumalo sa pagdinig ng House committee on appropriation ngayong (Biyernes) ng umaga sa Batasan Pambansa.

Ipinaalala ni Arroyo kay Diokno ang Section 13 ng Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation ng Kamara na may karapatan ito na asistehan ng abogado.

“Failure to comply with this order is subject to penalty under the law,” ayon sa pinirmahan ni Arroyo na subpoena kay Diokno.

Kasama rin sa ipinadala kay Diokno ang Subpoena Decus Tecum para dalhin nito ang mga record ng savings ng gobyerno noong 2017 at 208 at pinaalalahanan din ang kalim may parusa sa hindi pagsunod dito.

Karaniwan ang kasunod na subpoena na hindi pinapansin ng mga inisyuhang resource person ay arrest warrant at ikinukulong sa Kongreso ang mga ito kung ayaw magsalita.

Nilagdaan ni Arroyo ang dalawang dokumento noong Huwebes ng gabi at inaasahan na napasakay na ito ni Diokno Huwebes ng umaga.

Noong Miyerkoles ay sumulat si Diokno sa komite na pinamumunuan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya sa show cause order na inisyu laban sa kanya kung saan ipinaliwanag nito na iginagalang nito ang Kongreso patunay ang pagdalo niya sa Question Hour noong Disyembre sa Kamara.

Gayunpaman, kaya hindi umano siya nakakadalo sa pagdinig ng komite ay dahil mayroon na siyang mga naunang schedule na hindi niya makansela kaya hindi ito nakakadalo sa pagdinig.

133

Related posts

Leave a Comment