(NI CYRILL QUILO)
MULING umapela at nanawagan si Senador Bong Go na sumuko na mga presong nagawaran ng Good Conduct Time Allowance o GCTA law bago matapos ang 15-araw na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nagpahayag si Go na magiging mas delikado ang kanilang buhay kung sila ay nasa labas ng bilangguan.
“Kung sakaling matapos ang itinakda ng Pangulo ang 15-araw ay maituturing na ang mga ito na pugante, maaring maaresto sila o mapagkamalan o baka ma “Shoot -to-kill “ pa sila,” ayon kay Go.
“Nananawagan po ako sa inyo sumurrender na kayo ,bumalik nang maayos at baka mapagkamalan pa kayong kriminal, mayroon din potential na baka magkalat pa kayo ng lagim,pumasok na lang kayo sa kulungan,”dagdag pa ng senador.
Hiniling din ni Go na amyendahan ang GCTA Law at hindi na isama ang heinous crimes at wala ng atras abante pa.
Bumuo na rin ng Task Force si Justice Secretary Menardo Guevarra na bigyan pansin ang mga presong PDL o Persons Deprived of Liberty na naka- wheelchair at sobrang tanda na.
Ito umano ang mga presong kailangan nang palayain at ipagamot hindi ang mga ‘drug lords’.
Ayon pa kay Go, nais din ng Pangulo na ‘killer’ ang dapat ipalit at ilagay sa BuCor, dahil hindi lamang preso ang problema kundi pati mga empleyado at namumuno ay problema na rin.
166