MULI na namang ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga rebelde na hindi kailangan ang arrest warrant kung kailangan nilang arestuhin.
Ito umano ay sa katotohanang ang isang rebelde, lalo na’t gumagawa ng extortion at iba pang taliwas sa gobyerno, ay kailangang mamili lamang sa dalawang bagay: sumuko o mamatay.
“Bakit kailangan pa ng warrant? Ang katotohanang isa kang rebelde at lumalabag sa penal code ay sapat nang basehan para arestuhin ka,” sabi ng Pangulo.
Ang ‘hidwaan’ ng gobyerno at rebelde ay muling umigting matapos akusahan ng Pangulo ang mga komunistang rebelde sa patuloy nilang pag atake habang isasagawa ang peace talks sa gobyerno.
158