TAKE-OVER NG VILLAR SA WATER SERVICE SA METRO TINUTULAN SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINUTULAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ipasa sa kumpanya ng mga Villar ang water service sa Metro Manila na hawak ngayon ng Manila Water at Maynilad dahil tiyak na lalong mapipiga umano ang mga consumers.

“Nationalization of water services ang solusyon dito, hindi transfer of control to his crony, not Villarization,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite dahil sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itake-over ng mga Villar ang water service sa Metro Manila.

Ang PrimeWater Infrastructure Corp., ay pag-aari ng kumpanya ng mag-asawang sina dating Senate President Manny Villar at Sen Cynthia Villar kung saan 63% na umano sa local water district ay hawak  ng mga ito.

“Nagrereklamo ang Pangulo sa palpak pero mahal na serbisyo, pero ang solusyon niya ay ibigay din sa isa pang pipiga ng sobra-sobrang tubo at, ayon sa mga ulat, palpak din,” ani Gaite.

“In San Pablo, the Water District Employees Association president reported that consumers now pay almost P1,200 per month, up from P400 before PrimeWater came in, but recently they have been experiencing extreme water shortage. Even the Commission on Audit flagged PrimeWater’s inefficiency,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, lalaban umano ang mga ito kapag ipinasa lang ni Duterte sa mga Villar  ang water service sa Metro Manila at iginiit na ibalik sa gobyerno ang pagpapatakbo sa nasabing serbisyo.

Noong 1997 ay ibinigay sa Manila Water at Maynila ang water service bilang bahagi ng privatization program ng gobyerno subalit pinagkakitaan lang umano ng mga nabanggit na kumpanya ang mga consumers, ayon kay Duterte.

“Talaga namang pinagkakitaan nila ng husto ang serbisyong ito. In just a matter of 22 years, Maynilad Water Services Inc. hiked the cost of water by 596 percent, and Manila Water Company by 970 percent, accumulating incomes reaching billions year in, year out,” ani Gaite.

Subalit kung ipapasa rin sa isa pang oligarch ang water service ay hindi aniya magkakaroon ng pagbabago.

328

Related posts

Leave a Comment