TOROTOT DELIKADO SA MGA BATA

torotot

KUNG delikado ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon, may panganib din umano ang paggamit ng torotot sa mga bata, ayon sa Eco Waste Coalition.

Nagpaalala ang Eco Waste na may mga maliliit na parte ang torotot na delikado sa mga gagamit nito, higit ang mga bata.  Sinabi ni Thony Dizon, chemical safety campaigner ng Eco Waste Coalition, na kailangang bantayan ng mga magulang ang mga  batang gagamit ng torotot sa Bagong Taon.

Ayon kay Dizon, kabilang sa panganib sa paggamit ng torotot ay paglunok sa maliit na piyesang nakakabit dito gayundin ang pagkahiwa dahil sa matalim na bagay sa paligid nito o pansamantalang pagkabingi dahil sa lakas ng torotot.

Sa kabila ng babala, hinimok din ng Eco Waste ang publiko na iwasang gumamit ng paputok at sa halip ay gumamit ng alternatibong bagay sa pag-iingay sa selebrasyon ng New Year.

 

494

Related posts

Leave a Comment