HALOS isang kilometro na umano at posibleng madagdagan pa ang haba ng pila ng mga namamasko sa bahay ni Pangulong Duterte sa Central Park Subdivision, Davao City.
Umaga pa lamang ay hinigpitan na ang seguridad at loob at paligid ng bahay ng Pangulo upang maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari.
Sinabi ng Davao City Police Office (DCPO) na halos 100,000 katao na ang nakapila hanggang kahapon.
Ilan na sa mga nakapila ang hinimatay at may mangingilan-ngilan na naggigitgitan para makauna sa pila. Tiniyak din ng DCPO ang maayos na pamimigay ng aginaldo.
Upang maging maayos ang sistema ay naglagay na ng registration area sa Mount Matutum St. sa loob ng subdivision at upang makatiyak na hindi uulit ang nabigyan na ay nilalagyan ng indelible ink ang daliri ng nakatanggap na ng regalo.
Naging tradisyon na ng pamilya Duterte sa Davao ang pamamahagi ng aginaldo tuwing Pasko.
414