UPAK NI KAREN ‘DI ININDA NI PACQUIAO

karen200

(NI NOEL ABUEL)

PINAKAKALMA ni Senador Manny Pacquiao ang mga tagasuporta nito kasunod na nangyaring panayam dito ng broadcaster na si Karen Davila na kumukuwestiyon sa pag-aaral nito.

Sa inilabas na kalatas ng Pambansang Kamao, ayaw na nitong patulan ang mga naglabasang reaksyon sa social media ng mga tagasuporta nito na sinasabing hindi katanggap-tanggap ang pambabastos umano ng news anchor na si Davila sa senador.

“For the record, I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview,” sabi ni Pacman.

Paliwanag pa nito na tuluy-tuloy pa rin ang pag-aaral nito para maunawaan nito ang nangyayari sa paligid.

“Sa akin pong pagganap ng tungkulin bilang Representative ng Sarangani at ngayon bilang Senador, alam ko po ang mga hamon sa buhay kaya naipaliwanag ko ang aking saloobin noong ako ay nagdeliver ng speech sa Oxford University at Cambridge University na patuloy po akong natututo sa buhay. I never quit and I never stop challenging myself. Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education. I continue learning not only in academics but also in life. With God’s wisdom, I am pursuing formal education because it is important to gain deeper knowledge and better understanding on what is happening around us,” pahayag pa ni Pacman.

Sa kabilang banda, nagpasalamat naman ito sa taumbayan sa patuloy na suporta at pagmamahal na ipinapakita ng mga ito kung saan umapela rin si Pacman na tigilan na ang pagpapalaki pa sa nasabing usapin.

“Nais ko pong magpasalamat sa taong bayan sa kanilang supporta at pagmamahal sa akin. Pakiusap ko lang po: LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan. Sa lahat ng pagsubok, tandaan po natin: God is good all the time!” pagtatapos pa ni Pacman.

 

 

 

158

Related posts

Leave a Comment